Paalala sa Lahat ng Pasahero ng Eroplano!
Paalala sa Lahat ng Pasahero ng Eroplano!
Ang Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), Office for Transportation Security (OTS), at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nagpapaalala sa lahat ng biyahero na sundin ang mga patakaran sa seguridad ng paliparan, lalo na sa mga bawal na gamit sa hand-carry baggage.
Mga Paalala:
Bawal ang likido, aerosol, gel, spray, at toiletry items na higit sa 100ml sa hand-carry, kahit hindi puno.
Kasama rito ang pabango, lotion, toothpaste, deodorant, shaving foam, at hair gel.
Pinapayagan ang breast milk at baby formula na lampas 100ml para sa mga sanggol, basta ideklara sa security checkpoint para sa inspeksyon.
Hanggang dalawang power banks na mas mababa sa 100Wh ang puwedeng dalhin sa hand-carry.
Kung higit sa 100Wh, kailangan ng airline approval.
Mga armas, toy guns, kutsilyo, blades, stun guns, at iba pang bawal na gamit ay dapat ilagay sa checked baggage at may kaukulang permit kung kinakailangan.

Tip sa mga Biyahero
Bago bumiyahe, suriin ang airline at CAAP guidelines para maiwasan ang abala sa airport.
Ang pagsunod sa mga patakaran ay hindi lang para sa kaligtasan mo, kundi para sa lahat ng pasahero.
Facebook Page : https://www.facebook.com/lakbaytoursph
